TNT star Pogoy problemado sa quarantine

TNT star Pogoy problemado sa quarantine

May 23, 2020 @ 3:37 PM 5 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

MANILA, PHILIPPINES – Tahasang inamin ni Talk N’ Text Katropa star Roger Pogoy na nagkaroon ng malaking epekto sa kanya ang quarantine period.

Nakaranas umano siya ng malalim na insomnia sa halos mahigit dalawang buwang pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) at buong Luzon sa lockdown bunsod ng pandemic.

Dahil sa kawalan ng aktibidad at matinding pangamba sa nararanasang health crisis, kaya umano siya  tinamaan  ng insomnia o problema sa pagtulog.

“Nagka-insomnia ako. Hirap akong matulog,” ani ng 2017 Rookie of the Year. “Hindi kasi ako sanay ng hindi lumalabas, ng walang ginagawa, na puro bahay lang.”

Dahil sa kakulangan sa pagtulog, napalakas umano ang pagkain ni Pogoy kaya nadagdagan ang kanyang timbang.

“Nung nagka-insomnia ako, parang gusto kong kumain ng kumain kasi nga hirap akong matulog,” wika nito.Rico Navarro

Share

Leave a Reply

Loading...