Home METRO TODA workers sa Pampanga inyudahan ni Bong Go

TODA workers sa Pampanga inyudahan ni Bong Go

497
0

Namahagi ng tulong ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go, sa pakikipag-ugnayan sa opisina ni Representative Anna York Bondoc at Department of Social Welfare and Development, sa mga kasapi ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) sa San Luis, Pampanga noong Huwebes, Mayo 25.

Idinaos sa Dr. Emigdio Bondoc Convention Center, namigay ang pangkat ni Go ng mga mask, meryenda, at bitamina sa 1,200 tricycle driver. Namigay din sila ng mga kamiseta, bisikleta, mobile phone, sapatos, at bola para sa basketball sa mga piling benepisyaryo.

Bukod dito, isang pangkat mula sa DSWD ang nagbigay ng tulong pinansyal sa mga tsuper.

Sa kanyang video message, hinikayat ni Go, bilang chair ng Senate committee on health and demography, ang mga Kapampangan na nangangailangan ng tulong medikal na makipag-ugnayan sa Malasakit Centers na matatagpuan sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital at Overseas Filipino Workers Hospital and Diagnostic Center, kapwa sa San Fernando City; at sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center sa Angeles City.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop na nagpapabilis ng pagbibigay ng tulong-medikal muula sa ahensya ng gobyerno katulad ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Hindi niyo na kailangan pumila o umikot pa sa iba’t ibang opisina para humingi ng tulong pampagamot dahil nasa loob na sila ng isang kwarto. Lapitan niyo lang ang Malasakit Center at wala itong pinipili. Karapatan niyo bilang mga Pilipino ang maka-avail ng serbisyo nito,” ani Go, pangunahing nag-akda at isponsor ng Malasakit Centers Act of 2019.

“Isa yan sa ipinaglaban ko nung umupo ako sa Senado. Bakit ba natin pinapahirapan ang mga Pilipino kung pera naman nila yan? Kaya itinulak ko talaga ang Malasakit Centers Act… para po ‘yan sa minamahal kong Pilipino lalo na sa mga mahihirap at walang ibang matakbuhan kundi ang gobyerno,” idiniin niya.

Bilang vice chair ng Senate committee on finance, sinuportahan din ni Go ang pagpopondo para sa mga bagong gamit sa mga ospital sa San Fernando City at mga bayan ng Arayat, Bacolor, Floridablanca, Guagua, Lubao, Mabalacat, Porac at San Luis; at pagtatayo ng mga multipurpose building sa Arayat, Floridablanca, Santa Monica, Magalang at Masantol, at iba pa. Naging instrumento rin siya sa pagtatayo ng slope protection sa tabi ng Sapangbato River sa Barangay Margot sa Angeles City.

Noong Enero 26, pinarangalan si Go ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga dahil sa pagsusulong ng kapakanan at interes ng lalawigan sa pamamagitan ng Resolution No. 7643-A. Sa araw ding iyon, idineklara si dating Pangulong Rodrigo Duterte na “adopted son” ng lalawigan sa bisa ng Resolution No. 7643, bilang pagkilala sa kanyang makabuluhang kontribusyon sa pag-unlad at kaunlaran ng Pampanga sa panahon ng kanyang pamumuno mula 2016 hanggang 2022. RNT

Previous article‘Million Learners and Trees’ sa Cebu pinangunahan ni VP Sara
Next article2023 revenue target kumpyansang lalagpasan ng PCSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here