Home NATIONWIDE Tolentino: Constitutional dialogue, dapat maging transparent

Tolentino: Constitutional dialogue, dapat maging transparent

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Senator Francis “Tol” Tolentino na sa mga isinasagawang pagdinig ng Senado tungkol sa Konstitusyon at sa mga panukalang baguhin ito, mahalagang maturuan ang mga Pilipino nang may transparency sa historical background at values ​​ng “highest law of the land.”

“There has got to be a constitutional dialogue. It has to be transparent, people would have to be educated in Luzon, Visayas, and Mindanao,” sabi ni Sen. Tol sa panayam ng ANC Headstart.

Ayon sa mambabatas, ang mga isyung kinakaharap ng bansa ay hindi naman dahil sa mismong Konstitusyon, kundi dahil sa mga puwang sa pagpapatupad at maling pagpapahalaga sa constitutional values.

“It has something to do with misappreciating constitutional values. That’s why I am for education. We still do not understand our historical narrative why we have the Constitution as a foundational framework on what we should do or embark as a Nation,” ayon sa senador.

Sinabi rin ni Tolentino na ang patuloy na pag-uusap tungkol sa Konstitusyon ay hindi pag-aaksaya ng oras dahil magreresulta ito sa pagkakaroon ng “shared narrative and values” ng mga Pilipino.

“Teach the Constitution’s principles, teach them to your children, speak of them when sitting in your home, speak of them when walking by the way, when lying down and when rising up, write them upon the doorplate of your home and upon your gates,” idinagdag ni Sen. Tol na sinipi sa sinabi ni US Chief Justice Warren E. Burger.

Idiniin pa ng senador na ang mga kasalukuyang dayalogo ay makatutulong upang matukoy kung saan gustong pumunta ng mga Pilipino sa pagbabago ng Konstitusyon. RNT

Previous articleZubiri sa isyu na palautos sa mga senador: ‘Not in my character’
Next articleRhen Ecano, suportado ang ayuda sa nabaha sa Davao!