Home HOME BANNER STORY Tolentino: DFA dapat magtatag ng alyansa sa maritime countries

Tolentino: DFA dapat magtatag ng alyansa sa maritime countries

MANILA, Philippines – Hinihimok ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magtatag ng mga research and development alliances sa maritime countries para pakilusin ang internasyonal na suporta matapos ang panibagong water cannon attack noong Sabado sa Philippine resupply mission sa West Philippine Sea (WPS).

“To those countries with which the Philippines have no alliance through treaties or our allies in defense, pacts, or treaties, we can have joint exercises for peaceful marine science research and development,” ipinayo ni Tolentino.

Binanggit ni Tolentino ang Norway, na may malawak na karanasan sa agham at pananaliksik sa yamang dagat ngunit hindi kaalyado sa isang defense treaty, bilang halimbawa ng isang bansa na maaaring isama ng Pilipinas sa mga kasunduan sa pananaliksik at pagpapaunlad.

Idinagdag niya na ang Netherlands ay maaari ring isama sa mga kasunduan para sa research and development, gayundin ang iba pang bansa sa Europa at Latin America na malayo sa Pilipinas.

“It will involve non-aligned countries that would seek to develop and explore the area through scientific and development,” ayon sa senador.

Idiniin ni Tolentino ang ganitong uri ng kooperasyon bilang modelo sa Antarctica, na itinuturing na karaniwang pamana sa sangkatauhan.

“We involve not just our ordinary allies, our regular allies in terms of defense agreements, but also non-defense allies concerned about peaceful resolutions in upholding the norms of international law,” paliwanag niya.
Sang-ayon si Tolentino sa pagpapatuloy ng joint patrols at joint exercises ng mga bansa na may tratado sa pagtatanggol ang Pilipinas.

Gayunman, sinabi ni Tolentino na wala siyang nakikitang katapusan sa paglabag ng China sa mga karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng United Nations Convention of the Law of the Seas (UNCLOS) at ng 2016 Arbitral Ruling.

“Hindi lang ito isolated event (March 23 water cannon attack). Ang China ay gagawa ng patuloy na serye ng mga paglabag, at inaasahang mangyayari iyon,” sabi ni Tolentino.

Aniya, hindi malalaman ng Pilipinas ang bigat ng paglala o kung ano ang susunod na gagawin ng China dahil marami na itong ginawa at ang Pilipinas ang apektado.

“Marahil ay dapat nating itanong: Handa na ba ang ating bansa sa mga kahihinatnan para sa ating ekonomiya, kapayapaan at kaayusan?” sabi ni Tolentino.

Nagbabala siya tungkol sa mga posibleng negatibong kahihinatnan ng mga aksyon ng Pilipinas sa WPS na dapat maging bahagi ng pambansang kamalayan.

Sinabi ni Tolentino na inirekomenda na niya ang pagpapauwi sa Philippine envoy sa Beijing bilang tugon sa mga aksyon ng China laban sa Pilipinas sa WPS na alam ng Malacañang ngunit hindi inaaksyonan.

Samantala, sinabi ni Tolentino na dapat ipagpatuloy ng Pilipinas ang pagdadala ng mga suplay sa mga sundalong nakatalaga sa Ayungin Shoal sa pamamagitan ng himpapawid o dagat. RNT

Previous articleMisis kinatay ni mister
Next articleBong Go sa pertussis outbreak: Magsuot ng mask