Home NATIONWIDE Tolentino: DOST studies gamitin sa mga ahensya ng gobyerno

Tolentino: DOST studies gamitin sa mga ahensya ng gobyerno

MANILA, Philippines – Hinimok ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang paggamit sa mga ginawang pag-aaral ng Department of Science and Technology (DOST) na makatutulong sa ilang ahensya ng gobyerno para mapabuti ang kani-kanilang serbisyo.

“Studies produced by the DOST family not being utilized by the other government agencies is not a problem of lack of scientific research and data coming from the DOST, but the seemingly lack of utilization on the part of other government agencies,” ang pahayag ni Sen. Tol bilang depensa sa panukalang badyet ng DOST sa taong 2024 noong Biyernes.

Idinagdag niya na ang rasyonalisasyon ay maaaring makabuo ng isang pagsasanib ng mga output ng gobyerno para sa isang mas magkakaugnay at mahusay na burukrasya.

Ito ay matapos magtanong si Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva ukol sa overlapping functions ng ilang DOST attached agencies sa iba pang executive agencies.

Nilinaw ni Tolentino na ang DOST ang nakatalaga sa pananaliksik at pagpapaunlad at ang ibang government entities ay dapat makipag-coordinate.

“Palagay ko, iyong pagkukumpas nito ang nagkukulang. Perhaps there must be a research and development office in every local government office,” ang mungkahi ng senador. RNT

Previous articleDating First Lady Imelda Marcos gustong bumalik sa Hawaii
Next articleDavao City fire victims tinulungan ni Bong Go