Home NATIONWIDE Tolentino: Less restrictive exploration sa WPS, magbababa sa presyo ng basic commodities

Tolentino: Less restrictive exploration sa WPS, magbababa sa presyo ng basic commodities

MANILA, Philippines – Sa gitna ng usapin ng pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution, binigyang-diin ni Senador Francis “Tol” Tolentino na dapat isama ang less restrictive development sa West Philippine Sea (WPS) upang makatulong sa pagpapagaan ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

“Makabubuti sa sambayanan ‘yong natural resources na pag-aari ng Pilipino pero hahayaan ang may kakayahan na mamuhunan, may kapasidad na maghukay, at magbigay ng benepisyo para sa Pilipinas na makagawa nang ganoon,” ang sabi ni Tolentino sa panayam sa kanya sa Senado.

“Para natin ma-explore at ma-develop ang natural resources sa West Philippine Sea (WPS), kailangan natin ang puhunan ng ibang bansa. Kailangan natin ‘yong teknolohiya at equipment nila. Yung pang drill, pang extract, yung pang convert,” ang suhestyon pa ng senador.

Idinagdag pa niya na: “Sa ngayon, pinagbawal ng Supreme Court kasi nga may constitutional provisions pero sa akin ay mukhang okay lang. Malaki ang tulong sa bayan– bababa ang kuryente pati presyo ng gasolina.”

Sinabi rin ng senador na kung may sapat na mapagkukunan ng enerhiya mula sa mga mineral ng WPS, maiiwasan ng Pilipinas ang paulit-ulit na brownout tulad ng nangyari sa mga lalawigan ng Panay noong Enero 2.

Kaugnay ng kasalukuyang isinusulong na pagbabago sa ating Saligang Batas, sinabi ni Sen. Tol na: “Basta transparent, in good faith, at kung ano ‘yong makakabuti sa sambayanan.” RNT

Previous articleP3.6M tsongki inabandona sa ilalim ng tulay
Next articlePagsuspinde sa PhilHealth premium hike suportado ni Bong Go