Home HOME BANNER STORY Tolentino nagbitiw na sa Senate blue ribbon committee, CA

Tolentino nagbitiw na sa Senate blue ribbon committee, CA

MANILA, Philippines- Kinumpirma ni Senator Francis Tolentino on Tuesday na nagbitiw na siya bilang chairman ng Senate blue ribbon committee.

Inanunsyo rin niya na bababa na siya bilang miyembro ng Commission on Appointments.

“In fulfilment of a sacred commitment to serve as Blue Ribbon Committee Chairman and Member of the Commission on Appointments for a concise term of one and half years, I find it both duty and an honor to uphold the essence of a prior agreement. This decision is rooted in a deep-seated belief that public office demands fidelity to pledges made,” pahayag ni Tolentino sa isang press conference.

Kukumpirmahin umano ang kanyang resignation sa isang plenary session.

Inanunsyo ito ng mambabatas wala pang isang linggo matapos kumalat ang mga ulat na ipinagbigay-alam na niya sa Senate leadership na bibitawan na ang komite.

Pinamunuan ni Tolentino ang Blue Ribbon committee sa loob ng isang taon at limang buwan.

Sa ilalim ng kanyang liderato, inimbestigahan ng panel ang dalawang “fiascos,” ang kontrobersyal na laptop deal ng Department of Education, at ang umano’y non-disclosure ng Department of Health ng vaccine procurement details. RNT/SA

Previous article400% fare hike sa gitna ng PUV modernization nakaamba
Next articleHigit 2K pasahero stranded sa pagtama ni ‘Kabayan’