Home HOME BANNER STORY Tolentino nagpadala ng local execs sa Hague para 5-day study mission

Tolentino nagpadala ng local execs sa Hague para 5-day study mission

MANILA, Philippines- Sa pamamagitan ng kanyang Adaptive Governance and Innovation for Local Executives (AGILE) Program, nagpadala si Senador Francis “Tol” Tolentino ng mga opisyal ng local government unit (LGU) sa Hague Academy of Local Governance sa Netherlands para sa limang araw na misyon ng pag-aaral sa lokal na pamamahala at pagbabago sa lokal na pag-unlad ng ekonomiya.

Sa pakikipagtulungan sa Development Academy of the Philippines (DAP), ang programa ay layong panatilihin ang mga opisyal ng LGU sa bansa na nakaangkla sa mga inobasyon at estratehiya na ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan sa buong mundo.

Ang delegasyon ng AGILE Program Hague ay binubuo ng 28 bise gobernador, alkalde, bise alkalde, at mga kinatawan mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) at DAP.

Sa sideline ng kickoff ng programa, nakausap ni Sen. Tolentino si Makati Vice Mayor Monique Lagdameo at lubos na pinuri ang programa ng senador sa pagtulong sa LGU executives na matuto ng maraming aspeto sa pamamahala.

“Very interesting po dahil lumalabas ang parallel sides of local government dito sa Netherlands and sa atin. Napag-aaralan din natin kung ano pa ang pwedeng i-improve, kung mayroon man,” sabi ni Lagdameo. 

Pinuri naman ni Tolentino ang Lungsod ng Makati sa pangako nitong hindi lamang pagpapabuti ng sarili kundi maging sa pagtulong sa mga kalapit na lugar sa pamamagitan ng mga programang mentorship sa digitization at streamlining ng mga proseso.

Pinuri rin ng senador ang mga Local executive na masigasig na sumali sa delegasyon ng AGILE Program sa Netherlands.

“Patuloy pa rin ang pag-aaral nila, pag-upgrade sa services. Sana ay magsilbing aral ito sa local government units to keep on learning,” ani Sen. Tol.

Inilunsad noong 2021, ang AGILE Program ni Sen. Tolentino ay nagnanais na pahusayin ang kakayahan ng mga opisyal ng LGU na lubhang kailangan para makayanan ang mga hinihingi at hamon ng pamamahala sa pamamagitan ng pagdadala sa kanila sa world-class public policy schools. RNT

Previous articleRice inflation bumilis sa bagong 14-year high noong Enero – PSA
Next articleAlvarez dumepensa sa panawagang Mindanao secession