Home HOME BANNER STORY Tolentino: Panalo ng PH sa 2016 arbitral ruling, angkinin saan mang forum

Tolentino: Panalo ng PH sa 2016 arbitral ruling, angkinin saan mang forum

MANILA, Philippines- Sinabi ni Senator Francis “Tol” Tolentino kahapon na dapat angkinin ng Pilipinas ang panalo nito sa 2016 arbitral ruling saan mang forum para palakasin ang posisyon ng bansa sa agawan sa teritoryo.

Sa deliberasyon sa Archipelagic Sea Lanes (ASL) law, itinulak ni Tolentino ang pagsasama sa mga probisyon na magha-higlight sa 2016 arbitral ruling na pumabor sa Pilipinas.

“Anything that would strengthen the awards and strengthen our position should be claimed kahit saang forum,” idiniin ni Tolentino.

Dagdag pa niya, kapag naisabatas at tuluyang natanggap ng International Maritime Organization (IMO) ang batas ng ASL, maaari nitong palakasin ang posisyon ng Pilipinas sa mga nangyayaring agawan sa teritoryo at agresyon ng mga adversarial na bansa.

Ipinahayag ni Department of Justice Senior State Counsel Fretti Ganchoon ang pangako ng ahensya na isagawa ang mungkahi ni Tolentino sa pagbuo ng isang probisyon.

“We are willing to undertake to study. We can reaffirm the award,” sabi ni Ganchoon. RNT

Previous articleRido banta sa kapayapaan sa BARMM – OPAPRU
Next articleKaso ng dengue sa Pinas bumaba