Home NATIONWIDE Tolentino: Post-elex training sa bagong brgy. execs mission-critical

Tolentino: Post-elex training sa bagong brgy. execs mission-critical

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Senador Francis “Tol” Tolentino na isang kritikal na misyon ang pagsasanay sa mga bagong halal na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan dahil sila ay magpapatupad ng mga batas na may kinalaman sa mga makabuluhang isyu sa kani-kanilang nasasakupan.

“I see the post-election training modules to be given to our newly elected barangay officials as mission-ciritical in the sense that they are the ones supposed to implement laws,” sabi ni Tolentino sa debate sa plenaryo ng Senado para sa 2024 budget ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang mga naturang batas, ayon sa senador, ay may kinalaman sa mga isyu tulad ng anti-hazing, kapakanan ng mga kasambahay, pagprotekta sa mga katutubo at karapatan ng mangingisda sa bawat barangay.

Hinimok din ni Sen. Tol ang DILG na gawing propesyunal at pondohan nang sapat ang Local Government Academy (LGA) upang maging kapantay o maging katulad ng Lee Kuan Yew School of Public Policy sa Singapore at The Hague Academy for Local Governance sa Netherlands.

“Kapag nagawa po natin iyon, siguro iyong mga taga-ibang bansa, dito na magte-training sa atin, sa DILG, and I’m sure our very competent DILG Secretary, this dream of mine will be realized in the near future given the proper resources,” saad pa ni Tolentino.

 Ang budget ng LGA para sa 2024 ay nasa P296.7 milyon na may laang P71.535 milyon para sa post-election training. RNT

Previous articlePagtatayo ng marami pang klasrum iginiit ni Bong Go
Next articleAgham Road sa QC