MANILA, Philippines- Nanawagan si Senator Francis Tolentino sa bagong halal na barangay officials sa bansa na panatilihin ang barangay health workers (BHWs) na kasalukuyang nagsisilbi sa kani-kanilang komunidad.
Ani Tolentino, mayroon nang kaalaman at kasanayan ang kasalukuyang BHWs sa larangang ito.
Malaki rin umano ang papel nila sa pangangasiwa ng community health noong COVID-19 pandemic.
“If I were to be asked, I would definitely push for the inclusion of BHWs in our national health care system,” pahayag ni Tolentino sa kanyang programa.
“Retaining these BHWs will allow for continuity in community health care services and shielding BHWs from political discrimination and undue pressure,” giit pa niya,
Anang senador, kailangang magbigay ng mas mahabang transition period ng newly-elected officials na nais palitan ang BHWs sa kanilang hurisdiksyon.
Gayundin, sinabi niya na kailangang tapusin ng bagong health workers na magsisilbi sa kanilang komunidad ang kani;ang training bago isagawa ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad. RNT/SA