Home NATIONWIDE Tolentino sa DOH: Reklamo ng mga nars sa sahod, tuldukan na!

Tolentino sa DOH: Reklamo ng mga nars sa sahod, tuldukan na!

MANILA, Philippines – Inatasan ni Senador Francis Tolentino ang bagong liderato ng Department of Health (DOH) na dapat nang tuldukan ang reklamo ng nars sa Pilipinas hinggil sa mababang kumpesasyon at iba pang benepisyo kumpara sa abroad upang mapanatili silang maglingkod sa health sector.

Sa weekly radio program ng senador sa DZRH, itinanong ni Tolentino kay Health Secretary Teodoro Herbosa na kailangan itaas na ang sahod ng nars upang maiwasan silang umalis ng bansa, sa susunod na deliberasyon ng pambansang badyet.

“Papaano natin ma-enganyo ang ating mga kababayang nurses na gusto natin matulungang huwag muna umalis sa Pilipinas,” ayon kay Tolentino.

Sinabi ng senador na pangunahing problemang kinahaharap ngayon ng local nursing industry ang isyu sa kumpensasyon kahit nagtatrabaho sila sa gobyerno o sa pribadong medical facilities.

“There really is a wide gap between salaries of nurses here and those in medical facilities overseas, and that’s why most of them have no choice but to seek greener pastures abroad or, worse, seek a different career path,” ayon kay Tolentino.

Sa kanyang panig, sumang-ayon si Herbosa sa oberbasyon ni Tolentino sa pagsasabing nakikipag-usap ito sa Professional Regulations Commission (PRC) kung paano paluluwagin ang licensing rules upang payagan makapagtrabaho sila sa pagamutan ng pamahalaan, partikular ang bagong graduates.

“Ang problema, ang Civil Service natin allows only licensed nurse to work in the health sector in the government Actually, nakausap ko na ang PRC. Kinausap ko na mabigyan ng temporary license for three years if they have graduated nursing to work in the government. Sa gobyerno lang muna tayo kasi mahirap kung palawakin natin sa private at baka doon naman sa private pumunta So, if you’re going to go to government and work in a place na malayo, walang nurse, i-allow ka ng PRC since you are a four-year graduate, ” ani Herbosa.

Nitong Oktubre, inihain ni Tolentino ang Senate Bill 1447, o ang panukalang “Philippine Nursing Practice Act of 2022,” upang paunlarin ang antas ng nars.

“Providing local nurses with better compensation and training would play a vital role in achieving a more efficient access to Universal Health Care (UHC) for every Filipino,” giit niya. Ernie Reyes

Previous article₱5M pondo, inilaan pambili ng gulay ng mga evacuees
Next articlePaolo, nag-flex ng production staff na hindi nang-iwan!