Home HOME BANNER STORY Tolentino sa Philhealth: Ano ang dagdag na benepisyo sa 5% premium?

Tolentino sa Philhealth: Ano ang dagdag na benepisyo sa 5% premium?

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senator Francis “Tol” Tolentino sa Philhealth na maayos na ipaliwanag sa taumbayan kung ano ang mga karagdagang benepisyo ng posibleng pagtaas ng premium rate na hanggang 5 porsiyento na babayaran ng mga miyembro nito.

Sa kanyang regular na programa sa radyo DZRH, nakausap ni Tolentino si Philhealth spokesperson Rey Balena na ipinaliwanag ang mga karagdagang benepisyo na makukuha ng mga kasapi sa ahensiya.

Ayon kay Balena, kasama sa mga bagong benepisyo ang pinalawak na coverage ng dialysis mula 90 sessions hanggang 156, mental health coverage hanggang P60,000, at boost para sa stroke at hemorrhagic sectors, at marami pa.

“Sa pagpapaliwanag ninyo, iyan ang dapat na maintindihan ng ating mga kababayan na itong 5-percent [premium] ay may appropriate increase rin sa value ng serbisyo na pwede nilang makamtan,” ayon sa senador.

Pinatunayan naman ito ni Balena sa pagsasabing ginagawa ito ng Philhealth lalo’t ang ahensya ay may mandato na magbigay ng kaukulang increase benefits sa bawat contribution hike sa ilalim ng RA 11223 o ang Universal Healthcare Law na nilagdaan noong 2019.

“Talagang ang nasa batas po ay “for every contribution increase, dapat meron tayong katapat na pagbuti sa benefits,” ani Balena. RNT

Previous articleBatang nanunulya 5 oras nilamon ng ilog, todas
Next articleSen. Go sa gov’t officials: Magtulungan sa serbisyong pangkalusugan