Home HOME BANNER STORY Tolentino sa PPA: ‘Lakbay Alalay’ sa pet animals ngayong Semana Santa, kailangan

Tolentino sa PPA: ‘Lakbay Alalay’ sa pet animals ngayong Semana Santa, kailangan

MANILA, Philippines – Hinimok ni Sen. Francis “Tol” Tolentino ang Philippine Ports Authority (PPA) na kumuha ng veterinarians on-site upang suriin ang mga alagang hayop na kasama ng mga manlalakbay at payagan silang makabiyahe sa mga sasakyang pandagat sa kanilang paglalakbay sa Semana Santa.

Sa isang talakayan kasama si PPA Gen. Manager Jay Santiago noong Sabado (Marso 23), binanggit ni Tolentino ang kaugalian ng mga manlalakbay na pagdadala ng kanilang mga alagang hayop na maaaring magresulta sa alitan sa mga awtoridad sa pantalan. Kung hindi aniya makapagpapakita ng mga dokumentong pangkalusugan ay uutusan ang mga may-ari na iwanan ang kanilang mga alagang hayop sa mga daungan.

Sinabi ni Santiago kay Tolentino na ang mga tauhan ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng daungan ang gumagawa ng nasabing trabaho at mayroon aniyang malalaking karatula hinggil sa mga patakaran at pamamaraan sa pagdadala ng mga alagang hayop sa barko.

Gayunpaman, isinantabi ni Tolentino ang tungkulin ng BAI bilang isang regulatory body upang suriin ang mga papeles.

“What is the possibility of hiring veterinarians authorized by the PPA to check pets and issue papers to facilitate the travel of passengers with pets? Because this is where friction starts,” ayon kay Tolentino.

Sinabi ni Tolentino na ang mga beterinaryo na nakatalaga sa mga daungan ay kailangan para magbigay ng serbisyo sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga alagang hayop at pag-iisyu ng mga dokumento para makasakay sila sa mga sea vessel.

Idinagdag niya na ang PPA ay maaaring makipag-ugnayan sa Philippine Veterinarians Association upang magbigay ng mga serbisyo at matulungan ang mga bumibiyaheng publiko.

“I will be like a Lakbay Alalay not for humans but for our pet animals. The animal rights advocates like the Philippine Animal Welfare Society (PAWS) will surely appreciate this move,” sabi pa ni Tolentino.

Bilang pagtugon sa mungkahi ng mambabatas na magbigay ng hiwalay na serbisyo ng beterinaryo sa mga daungan, sinabi ni Santiago na kanilang gagawin ang inisyatibang ito ngayong Semana Santa. RNT

Previous articleDeadly Pertussis pumasok na sa Bulacan
Next articlePagbalik ni Teves sa Pilipinas, matatagalan pa – Topacio