Home HOME BANNER STORY Tolentino – Sponsored maritime zones law, aprub sa Senado

Tolentino – Sponsored maritime zones law, aprub sa Senado

MANILA, Philippines – Ipinasa ng Senado nitong Lunes sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2492, isang mahalagang bahagi ng batas na nagtatatag ng Philippine Maritime Zones bilang pagsunod sa UN Convention on the Law of the Sea at 2016 Arbitral Ruling.

Itinatakda ng batas ang mga hanggahan ng archipelagic, ang internal waters ng bansa at exclusive economic zones kung saan ipinatutupad ng gobyerno ng Pilipinas ang soberanya at hurisdiksyon.

Sa ilalim ng panukala, ang sovereign rights at hurisdiksyon ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone nito sa West Philippine Sea ay itinatampok kasama ng Benham Rise na kilala ngayon bilang “Talampas ng Pilipinas”.

Ang panukala ay magpoprotekta rin sa karapatan ng mga mangingisdang Pilipino sa malawak na yaman ng West Philippine Sea, gayundin sa mga hindi pa nagagamit na energy resources sa lugar.

Magsisilbi ring pundasyon ang bagong batas ng ating maritime policy, na nagpoprotekta sa ating soberanya at tumutugon sa ating pambansang pangangailangan sa seguridad, ayon kay Sen. Tolentino.

“Within the maritime zones law, we can forge more alliances with other countries, under a rules-based international order in compliance with UNCLOS”, idinagdag ni Sen. Tolentino na nagsabing ang nasabing batas ay “300 years in the making.”

“Kahit ano pong mangayari ngayon sa Bajo de Masinloc, kahit ano pong mangyari ngayon sa karagatan ng West Philippine Sea, kahit ano po ang mangayri ngayon sa Benham Rise, nakatatak na po sa kasaysayan ang Philippine Maritime Zones Law na magiging bantayog ng ating Kalayaan,” ayon sa senador. RNT

Previous articleBong Go kinilalang Outstanding Public Servant ng RPMD
Next articleHigit 4.4M Pinoy makikinabang sa P106B alokasyon sa 4Ps