Home NATIONWIDE Tolentino, umayuda sa 44 pamilyang nasunugan sa Pasig

Tolentino, umayuda sa 44 pamilyang nasunugan sa Pasig

Si Sen. Tolentino habang namamahagi ng ayuda sa mga nasunugan.

MANILA, Philippines – Personal na naghatid ng tulong si Senador Francis “Tol” Tolentino sa may 44 pamilya o kabuuang 212 indibidwal na naapektuhan ng sunog noong Enero 24 sa Bolante 2, Barangay Palatiw sa Pasig.

Nagbigay ng tulong si Sen. Tol na binubuo ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga biktima na kasalukuyang nananatili sa isang evacuation site.

Umikot din si Tolentino sa evacuation site para personal na tingnan ang sitwasyon ng mga biktima.

Sumiklab ang sunog noong Enero 24 bandang 10:00 a.m. at umabot sa Alert level 1.

Nagpahayag naman ng kanilang pasasalamat kay Sen. Tolentino ang mga nasunugan sa hindi lamang pagbibigay ng tulong, kundi paglalaan ng oras ng senador upang bisitahin sila para magbigay sa kanila ng moral na suporta sa gitna ng krisis. RNT

Previous articlePoe sa ‘Pekeng Initiative’ ni Romualdez: Politiko lang makikinabang
Next articleNBA: LeBron, Lakers wagi vs Warriors sa 2OT