Home ENTERTAINMENT Tom, naninibago sa pagbabalik showbiz!

Tom, naninibago sa pagbabalik showbiz!

Manila, Philippines- Mahigit dalawang taon ding namalagi sa America si Tom Rodriquez na dapat sana ay 2 weeks lang.

Nagdesisyon siyang magtagal doon para totally ay makalimot at maka-recover sa nangyaring hiwalayan nila ni Carla Abellana.

Sabi ni Tom sa interview sa kanya ng 24 Oras, “Two weeks lang dapat ako nandoon. Nawili rin ako. Long story short, I really had to take time to really recover and now, I do feel na buo na ako ulit.”

Nu’ng nasa America, natuto siyang magluto at maglaba ng kanyang mga damit.

“Nawili din ako na when I started taking on responsibilities for myself, maintaining the household, learning to cook, learning to do laundry, ‘yung washing machine tsaka dryer doon, mag-grocery, couponing, all that stuff. Na-enjoy ko,” kuwento ng aktor.

Sa pagbabalik-bansa ni Tom ay balik-showbiz na rin siya.

Bukod sa mga gagawin niyang serye sa GMA 7, babalik din siya sa theater industry.

Makakasama siya sa concert version ng Ibarra: The Musical, na mangyayari sa second quarter ng 2024.

“I’m glad na they offered me this role. I’ve been really yearning to be back into theater and napagbigyan uli,” ani Tom.

Samantala, balik-social media na rin daw ang aktor ngayon kasabay ng pag-aming naninibago siya sa pagpo-post ng mga kaganapan sa kanyang personal life at career, dahil matagal din niyang hindi ginamit ang kaniyang social media accounts.

“Medyo hindi pa ako sanay mag-social media uli. So I’ve been trying to force myself to go back.

“I’m on TikTok din, I’m starting to push myself out of my comfort zone kasi nakaka-spoil pala ‘yung wala. It’s nice din to reconnect with the people. Kaya I’m trying to push myself to go out of my ermitanyo mode,” aniya pa. Rommel Placente

Previous articleHacking, data breach sa gov’t agencies pinatatalupan sa Kamara
Next articleMaharlika target maglaan ng $1B pondo para sa energy projects