Home ENTERTAINMENT Toni, dream come true ang role sa My Sassy Girl!

Toni, dream come true ang role sa My Sassy Girl!

Manila, Philippines – Muling mapapanood sa pelikula ang mahusay na singer-actress at ngayon ay isa na ring sikat na social media influencer na si Toni Gonzaga via My Sassy Girl opposite Pepe Herrera.

Isa itong Pinoy adaptation mula sa 2001 hit South Korean romantic comedy film na pinagbidahan nina Jun Ji-hyun at Cha Tae-hyun.

Si Toni mismo ang nag-produce ng pelikula sa pamamagitan ng kanyang TinCan, distributed ng Viva Films. Mula ito sa direksyon ni Fifth Solomon.

Si Toni rin ang kumanta ng themesong ng My Sassy Girl titled I Believe, na hit single noon ni Jimmy Bondoc.

Ayon sa tinaguriang Ultimate Multimedia Star ng showbiz, dream come true para sa kanya na gawin ang My Sassy Girl at maituturing niyang blessing ito para sa kanya.

“Twenty years after the film was released, I’m given the opportunity to play the role here in the Philippines. I consider it as a big blessing,” sabi ng magandang misis ni Direk Paul Soriano.

Dagdag ni Toni, “Sabi ni Direk Cathy [Garcia-Sampana], ‘Panoorin mo ‘yung ‘Sassy Girl.’ Iyan ang peg namin sa ‘yo. Dapat ganyan ka, may pagka-feisty’.”

Mula nang ilabas ang official trailer ng My Sassy Girl last week ay nasa over 2 million views na agad ang nakuha nito and still counting. Meaning, maraming gustong mapanood ang pelikula.

Isa kami sa nakapanood ng trailer ng My Sassy Girl. Nakakatuwa talaga ang mga eksena rito. Isa sa nagustuhan naming eksena ay nang sumakay sa isang train sina Toni at Pepe. Tinanong si Toni ng isang batang pasahero rin ng train, kung boyfriend ba niya si Pepe.

Sabay sabi nito na mukhang ta.. si Pepe.

Tawa kami ng tawa sa eksenang ‘yun.

May isang eksena rin sa pelikula na sobra kaming natawa. Ito ay nu’ng nag-uusap sina Toni at Pepe at sinabi ng una sa huli na kapag nagri-recital daw siya ay hindi siya nagsusuot ng panty, na ikinagulat ni Pepe.

Naniniwala kami na kapag ipinalabas na ang My Sassy Girl sa mga sinehan simula sa January 31 ay magiging hit ito sa takilya.

Bukod nga kasi sa nakakatuwa ang pelikula ay lagi namang pinipilahan sa takilya ang mga pelikulang ginagawa ni Toni.

In fairness sa kanya, wala pa siyang pelikulang nag-flop sa takilya. Lahat ay kumita, sa totoo lang.

Magkakaroon ng red carpet preem ang My Sassy Girl sa SM Megamall sa January 29. Rommel Placente

Previous articleAsian Para Games medalists pinuri ni PBBM
Next articlePagkontra ni PBBM sa ICC probe ikinagalak ni Bong Go