Manila, Philippines – Hindi na napigilan ng social media influencer na si Toni Fowler ang maglabas ng pagkadismaya sa pekeng fans na naglipana on social media.
Tuwing may pa-contest kasi ito, nagdadagsaan naman talaga ang legit fans to join.
Kadalasan, ang rule ay they have to share something on Facebook. May mga caption din na kailangan nilang buhusan ng effort para mapansin ni Fowler.
Just recently, may pa-contest si Toni wherein people need to do a twerk din at nakuha nga ang atensyon nito nang makita sa social media ang video ng grupo ng kabataan doing the ‘twerk’ to win prizes.
“This is too much. I am posting this for awareness sa mga magulang. Tagalog po ‘yung kanta ko, napakadaling intindihin. Para sa inyo ko sinulat ‘to, hindi para sa mga bata,” bahagi ng banat ni Toni sa mga magulang.
Advertisement