Home METRO Toni Fowler nakapagpiyansa na matapos maaresto sa cybercrime case

Toni Fowler nakapagpiyansa na matapos maaresto sa cybercrime case

MANILA, Philippines- Nakapaglagak ng piyansa nitong Biyernes si Toni Fowler kasunod ng utos ng Pasay court na arestuhin siya dahil sa umano’y paglabag sa Cybercrime Prevention Act kaugnay ng kontrobersyal niyang music video.

Nagpiyansa si Fowler ng P120,000, ayon sa Pasay Regional Trial Court Branch 108. 

Kamakailan ay umani ng iba’t ibang reaksyon ang content creator para sa kanyang music video ng kanyang kantang “MPL” dahil sa adult content nito.

Aniya, “restricted” ang kanyang video at hindi para sa pangkalahatang manonood.

Matatandaang sinabi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRB) na kung nabigyan ito ng awtoridad na i-rate ang music video, makatatanggap ito ng “X” rating. RNT/SA

Previous articlePebrero 9 ideneklarang special non-working day para sa Chinese New Year
Next articlePag-Abot Program ng DSWD pinalawig ni PBBM