Home HOME BANNER STORY Toni Fowler pinaaaresto ng Pasay court sa malaswang music video

Toni Fowler pinaaaresto ng Pasay court sa malaswang music video

MANILA, Philippines – Pinaaaresto ng korte sa Pasay angĀ  vlogger na si Toni Fowler dahil sa umano’y paglabag nito sa Article 201 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Section 6 ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Kasabay nito, naglabas ang Pasay Regional Trial Court-Branch 108 ng warrant of arrest laban sa vlogger. Nasa P120,000 ang inirekomendang piyansa.

Ang kaso ay ukol sa reklamong inihain ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBP) laban kay Fowler noong Setyembre 2023 dahil sa kanyang “malaswa” na music video.

Iginiit ng KSMBP na ang di-umano’y malaswang lyrics at mga gawa ni Fowler sa kanyang mga music video ay lumalabag sa mga hangganan ng kalayaan sa pagpapahayag.

Walang pang komento ang vlogger ukol sa isyu. RNT

Previous articleBong Go: Tuloy ang paglapit ng serbisyong medikal sa taumbayan
Next articleMPD personnel muling sumalang sa surprise drug test