Home ENTERTAINMENT Toni, nanganak na!

Toni, nanganak na!

2461
0

Manila, Philippines – Baby girl ang matagumpay na isinilang ni Toni Gonzaga nitong August 11, Biyernes.

Mismong ang asawa ng TV host-actress na si direk Paul Soriano ang nagbahagi nito sa kanyang Instagram at X accounts.

Ang baby named Paulina (taken from Paul) Celestine (Toni’s real name) ay iniluwal ganap na 2:05 ng hapon.

It weighed 6.8 lbs.

Post ni direk Paul: “Tin and Paulina are both doing great! Thank you!”

Matatandaang inamin ni Toni na mas nahirapan siya sa kanyang pangalawang pagbubuntis.

Buwan nang March nang kumalat ang balitang nasa interesting stage siya.

Pero June na nang kumpirmahin ito ni Toni.

She went through a dificult pregnancy so much so na labas-masok siya sa ospital thinking na due date na niya.

Direk Paul also had to set aside pressing work-related matters para tutukan ang panganganak ng kanyang maybahay.

Seve ang palayaw ng panganay ng Soriano couple.

Congrats, direk Paul and Toni on your new bundle of joy! Ronnie Carrasco III

Previous articlePBBM sa mga Pinoy: Makipagtulungan sa mga kabataan para sa transisyon sa ‘greener future’ ng bansa
Next articleTeves ihahabla sa 2019 NegOr killings – DOJ

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here