Home METRO Top 2 most wanted person ng Malabon, nasakote

Top 2 most wanted person ng Malabon, nasakote

MANILA, Philippines – REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang truck helper na wanted sa kasong rape at attempted rape matapos madakip sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong akusado bilang si Angelo Pequit, 25 ng Block 48, Lot 16, Phase 3, Area 2, Barangay Longos.

Sa report ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Malabon Police Warrant and Subpoena Section (WSS) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Jo-Ivan Balberona na naispatan ang presensiya ng akusado sa Brgy. Longos.

Kaagad bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni PSSg Jayson Amurao at nagsagawa ng manhunt operation in relation to Simultaneous Anti- Criminality Law-Enforcement Operation (SACLEO) na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-11:10 ng gabi sa kahabaan ng Maya-Maya St., Brgy. Longos.

Ayon kay Maj. Balberona, ang akusado ay pinosasan ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Abigail Santos Domingo-Laylo ng Family Court Branch 4, Malabon City noong September 11, 2023 para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa at Attempted Rape na may inirekomendang piyansa na P120,000.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Costudial Facility Unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Boysan Buenaventura

Previous articleMaharlika Investment Fund tatalakayin sa Saudi trip ni PBBM – DFA exec
Next articlePapel ng kooperatiba sa food security, binigyang-diin ni PBBM