Home METRO Top 2 most wanted person ng Valenzuela, nasakote sa Rizal

Top 2 most wanted person ng Valenzuela, nasakote sa Rizal

MANILA, Philippines – ARESTADO ang construction worker na nakatala bilang top 2 most wanted person ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa isinagawang manhunt operation sa San Mateo Rizal.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong akusado na si alyas “Leo”, 39, ng Barangay San Isidro, Montalban Rizal at nakatala din bilang Top 8 MWP sa Norhern Police District (NPD).

Base sa report ni Col. Destura kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang SIS ng Valenzuela CPS na nagtatago sa lalawigan ng Rizal si Leo kaya kaagad siyang bumuo ng team para sa pagtugis sa akusado.

Sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez, kaagad namang nagsagawa ng intensified manhunt operation ang mga operatiba ng SIS na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-4:10 ng hapon sa Phase 8, Easter View Subdivision, Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal.

Ani Cpt. Sanchez, dinakip nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline Mendoza Francisco ng Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 270, noong October 5, 2021, para sa paglanag sa Sec.5 (b) of R.A. 7610 in relation to Article 336 of the RPC.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Rene Manahan

Previous articleTricycle operator tiklo sa P47.6M shabu sa Zamboanga
Next articleIsrael Embassy nagkasa ng motorcade sa Manila, nanawagan sa pagpapalaya sa Hamas hostages