Home METRO Top 3 most wanted person ng Navotas, timbog!

Top 3 most wanted person ng Navotas, timbog!

MANILA, Philippines – SWAK sa selda ang isang lalaki na nakatala bilang top 3 most wanted matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong akusado na si alyas Ananias, 34, ng Brgy., NBBS Kaunlaran at nakatala naman bilang Top 2 MWP sa Northern Police District (NPD).

Sa kanyang report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cortes na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

Bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni P/Maj. Danilo Esguerra Jr. saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-5:00 ng hapon sa Bidbid Street Barangay NBBS kaunlaran Navotas City.

Ani Maj. Esguerra, dinakip nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Romana M.M.P. Lindayag Del Rosario ng Navotas City Regional Trial Court Branch 287 noong December 11, 2023, para sa kasong Murder under Article 248 of the Revised Penal Code (4 Counts).

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Navotas CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Boysan Buenaventura

Previous articleNCT 127 may fansign event sa Manila!
Next articleTransport group humirit kay PBBM, deadline sa consolidation i-extend