Home NATIONWIDE Top 5 cybercrimes sa Pinas alamin

Top 5 cybercrimes sa Pinas alamin

MANILA, Philippines- Inisa-isa ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang mga naitalang cybercrimes ng ahensya sa bansa.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Acorda na ang mga ito ay Swindling/estafa, Illegal access, computer related identity theft, Online Libel at ATM/Credit Card Fraud.

“Well, for the top five – we have the swindling or estafa, iyan ang nangunguna; and then coming next is medyo malaki ang diperensiya, from 15,000 sa swindling and estafa, pagdating na sa illegal access is only 4,000; and then identity theft, 2,000; and then online libel, mga 2,000 din; and card fraud, mga almost 2,000. So, those are the top five na—credit card fraud,” ayon kay Acorda.

Kasama ring binanggit na binabantayan ng PNP ang “threat, data interferences, anti-Photo and Video Voyeurism, unjust Vexation at computer related fraud.”

Inamin ni Acorda na talagang ang nagiging problema nila sa usaping ito ay ang ay ang pagtukoy mga perpetrator.

“Nahirapan tayo kasi nakatago especially iyong mga accounts na ginagamit are sometimes or often fictitious. But again as I said, because of the SIM card registration, malaking bagay na tulong sa atin ‘yan,” aniya pa rin.

Nauna rito, sa sectoral meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Acorda na ipinag-utos sa kanila ng Pangulo na palakasin at paghusayin ang PNP cybersecurity system sa pamamagitan ng karagdagang pagsasanay sa PNP personnel at mamuhunan sa teknolohiya para tugunan ang cybercrime at cybersecurity.

Binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangan na gawing sentralisado at i-standardize ang lahat ng communication systems at platforms sa buong PNP.

Sa kabilang dako, iprinisenta ni Acorda kay Pangulong Marcos ang isang “improved national crime situation and operational accomplishments” ng PNP mula nang magsimula ang administrasyong Marcos.

“The peace and order indicator shows a 10% decrease in crime during the period of July 2022 to January 2024 compared to the period of December 2020 to June 2022. Other areas that continued to be given serious attention are actions against illegal drugs, loose firearms, e-sabong and illegal gambling websites and communist terror groups,” ayon naman sa Malakanyang.

“As presented earlier this morning before the President and we reported our accomplishments… although seemingly, nakita natin na nag-improve iyong crime statistics – it went down by 10%. But as we dissected further these crime statistics, there is a need for us to focus on cybercrime – iyon ang nakita natin na medyo tumaas as reported during the last quarter,” ayon kay Acorda sabay sabing, “And in line with that, as instructed by our President, we are intensifying, we are capacitating our police officers on the ground especially as of previously, ang ating cybercrime group is only up to the regional level lang. But this time, we are training our personnel and our objective is that down to the police station level/municipal level, we will have police officers who are trained to handle cybercrime or online crimes.” Kris Jose

Previous articleDOH: Leptospirosis cases sa Davao region tumaas
Next articlePanibagong reso sa magkahiwalay na pagboto sa Cha-cha inihain sa Senado