Home NATIONWIDE Top assassin ng NPA ng Bicol, sumuko

Top assassin ng NPA ng Bicol, sumuko

MANILA, Philippines – Sumuko sa pamahalaan ang top assassin ng New People’s Army (NPA), iniulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Martes, Pebrero 27.

Sa pahayag, sinabi ni CIDG chief Maj. Gen. Romeo Caramat Jr. na ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Jose Maria” ay sumuko sa 903rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay San Rafael, Castilla, Sorsogon noong Pebrero 23.

Agad na nagtungo sa lugar ang CIDG at sinilbihan ng arrest warrant ang suspek, na wanted sa three counts ng illegal possession of firearms ng Sorsogon City Regional Trial Courts Branches 52 at 54.

Ani Caramat, si “Jose Maria”, na top 2 most wanted person ng Bicol ay nagsisilbi ring commanding officer ng Special Partisan Unit (SPARU) Provincial Unit Guerilla (PYG) sa ilalim ng Bicol Regional Party Committee.

“Ang pagsuko ni “Jose Maria” ay isang patunay na epektibo ang kampanya ng ating gobyerno sa paghimok sa ating mga rebelde na magbalikloob at magtiwala sa mabuting hangarin ng pamahalaan,” dagdag niya.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Philippine National Police chief General Benjamin Acorda Jr. na kabuuang 15,092 NPA members ang sumuko sa mga awtoridad mula 2022 hanggang Enero 31, ngayong taon. RNT/JGC

Previous articleHontiveros kay Quiboloy: ‘Wag magtago sa audio clip, humarap ka!
Next articleAlden, bet kabugin si Coco!