Home HOME BANNER STORY Totoy patay sa sariling tatay!

Totoy patay sa sariling tatay!

MANILA, Philippines- Maagang binawian ng buhay ang isang batang lalaki nang tagain sa leeg ng sarili niyang ama habang natutulog sa kanilang bahay sa Davao City.

Batay sa ulat nitong Miyerkules, naganap umano ang krimen noong Linggo ng gabi sa Barangay Marilog Proper sa nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na habang natutulog ang 10-anyos na biktima kasama ang kanyang 16-anyos na nakatatandang kapatid na babae ay tinaga siya sa leeg ng kanyang ama.

Nang maalimpungatan ang ate ay agad itong tumakbo palabas upang ihingi ng tulong ang kanyang nakababatang kapatid.

Pagdating ng mga pulis, namataan ang suspek na wala na ring buhay.

Base sa sulat na iniwan ng ama, humingi ito ng tawad sa kanyang asawang isang OFW.

Lahad ng tiyahin ng biktima, ibinahagi sa kanya ng kapatid na suspek ang paghihinala nitong niloloko siya ng kanyang asawa.

Pinaalalahanan naman ng Women and Children’s Protection Desk ng kapulisan na isumbong sa kanila o sa barangay sakaling mapansin ang pagbabago sa kilos o pag-uugali ng mga kasama sa bahay. RNT/SA

Previous articlePanukalang pagbawi sa SMNI franchise aprub sa Kamara
Next articlePastor kalaboso sa planong pagpatay sa kasintahan ng anak!