Home NATIONWIDE Tourism, engineering education sa Region 6 palalakasin ng CHED

Tourism, engineering education sa Region 6 palalakasin ng CHED

MANILA, Philippines – Pinasinayaan ng Commission on Higher Education, nitong Sabado, Enero 20, ang special project grants nito sa University of Antique (UA) bilang bahagi ng hakbang ng CHED na paunlarin pa ang kalidad ng edukasyon na matatanggap ng mga estudyante ng tourism at engineering sa Region 6.

Sa pamamagitan ng grants ay maitatayo ang hot at cold kitchens para sa tourism students nang makapagsanay ang mga ito sa aktwal na mga kagamitan na ginagamit sa industriya.

“Kasi dati maliliit yung mga gas range nila, so when they graduate in their tourism management [or] HRM [programs], when they go to industry they have to be retrained because they don’t know how to use industrial machines,” pahayag ni CHED Chairman J. Prospero de Vera III sa isang press conference.

Nagbigay din ang CHED ng karagdagang grants para sa tourism program sa mga unibersidad at local governments upang paunlarin ang local at state universities sa Region 6 na maging sariling tourism spots ang mga ito.

“[We] can go to them and they can help local government and tourism,” dagdag ni de Vera.

Samantala, itatayo rin ang iLaboratories para sa mga engineering student sa kaparehong inisyatibo.

“The idea is we want our students to use the latest equipment, latest technology so we produce good graduates. This is the project of CHED where we put state of the art IT labs in different schools with a software that is common across all schools connected to software used in other countries and so the schools can have classes together,” saad ng CHED chairman.

“That’s the idea, you maximize the use of technology in classrooms,” dagdag pa niya.

Karamihan sa mga state university at kolehiyo sa Region 6 ay nakatanggap ng grants sa pamamagitan ng Higher Educational Development Fund, na nagmula naman sa koleksyon ng travel tax mula sa Department of Tourism, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at Professional Regulation Commission.

Nasa mahigit P26 bilyon ang inilaan para sa libreng higher education sa ilalim ng General Appropriations Act.

Ani De Vera, ang pondo para sa tourism-related projects ay tumaas ng halos 40%, at plano niyang ilaan ang 50% ng tourism tax collections sa tourism-related projects. RNT/JGC

Previous article13 estudyante patay sa sunog sa paaralan sa China
Next articleGov’t housing programs sa informal settlers sa NCR, pinuri ng CHR