Home NATIONWIDE Tourist fees sa Kalanggaman Island tinaasan

Tourist fees sa Kalanggaman Island tinaasan

MANILA, Philippines – Tinaasan ang bayarin sa mga bibisitang turista sa Kalanggaman Island sa Palompon, Leyte upang mapalakas pa at mapabuti ang naturang tourist destinations.

Ang dagdag sa entrance fee ay iiral sa Enero 16.

Ayon sa bagong rate, ang dayuhang turista ay magbabayad na ng P1,000 para sa day trip at P1,500 sa overnight stay.

Samantala, ang non-Palompon residents ay kailangang magbayad ng P300 sa day tour at P450 kung sila ay mag-oovernight.

Ang mga residente naman ng naturang bayan ay magbabayad lamang ng tour rate na P100 at overnight stay rate na P150.

Samantala, ang mga matatandang residente ay libreng makapasok sa naturang tourist spots habang ang senior citizens mula sa ibang lugar ay sisingilin ng P240 sa day tour at P360 sa overnight stay.

Ang mga interesado naman na rentahan ang buong isla ay maaaring magbayad ng P300,000 sa isang araw.

Inabisuhan naman ng Palompon local government unit ang publiko na ang cottage rates sa isla ay mula P375 hanggang P1,000.

Ang day trip mula Palompon patungong Kalanggaman Island ay mula 5:30 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, habang ang pabalik ay mula alas-2 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon.

Kailangan din na magpareserve ang mga turista sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang tourism office, o magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook at website na
www.palompon-leyte.gov.ph.

Mahigit na ipatutupad ng LGU ang maximum capacity na 500 tourists a day sa isla. RNT/JGC

Previous articleVilma, takbuhan ni Claudine sa problema!
Next articleTraffic scheme, road closures sa Sinulog 2024 inanunsyo!