Home NATIONWIDE Traders ng Hillsdale Summit sinasabotahe ng sindikato

Traders ng Hillsdale Summit sinasabotahe ng sindikato

Manila, Philippines – Nababahala ang mga negosyante ng Park Developer Hillsdale Summit Subdivision sa Angono, Rizal dahil balak na naman itong isabotahe at atakihin ng mga tauhan ng isang sindikato na grupo ni “Pasco.”

Ayon sa reklamo ng mga negosyante, makaraang tambakan at harangan ang mga kalsada ng mga panambak na lupa na may bubog, hindi makapasok ang mga may dalang mga sasakyan patungo sa overlooking na pasyalan.

Aniya, maraming beses na silang sinasabotahe ng grupo kapag sila ay hindi nakapagbibigay ng parating kay “Pasco.”

Nagbibigay umano sila ng buwanan tara para hindi sila perwisyuhin ng mga nagpapakilalang tauhan ng munisipyo na nagbibigay ng proteksyon sa naturang
subdibisyon na umano’y abandonado makaraang mabangkarote ang developer.

Nangangamba ang mga ito na anomang oras ay salakayin sila ng grupo at muling lagyan ng harang ang gate para walang makapasok sa pasyalan.

Naidulog na umano nila sa barangay at kapulisan ang bagay na ito subalit wala silang natatanggap na anomang tugon.

Ang masakit umano nito, nagbabayad naman sila ng buwis at business permit subalit hina-harass pa rin sila ng naturang sindikato. RNT

Previous articleMga botante sa Makati-Taguig transfer ‘di na kailangan muling magparehistro
Next articleTRO sa P240M license deal ‘di pa pinal – LTO