Home NATIONWIDE Traditional jeep makabibiyahe pa pagkatapos ng Abril 30 kung..

Traditional jeep makabibiyahe pa pagkatapos ng Abril 30 kung..

MANILA, Philippines- Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Huwebes na makapapasada pa rin ang traditional jeepneys sa kanilang ruta paglampas ng April 30 deadline ng franchise consolidation, sa kondisyong kasama na ang mga ito sa kooperatiba o kooperasyon.

“After April 30, yung nag-consolidate pero may traditional jeepneys, tutuloy pong tatakbo yun. Yung unconsolidated by April 30, yun po ang hindi na po natin patatakbuhin,” anang abogadong si Mercy Leynes n  LTFRB.

Ani Leynes sa Committee on Transportation hearing ito ang “policy as of today” ng LTFRB sa patuloy na motu proprio inquiry ng House panel sa implementasyon ng Public utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Bibigyan ang consolidated jeepney operators na namamala lamang ng traditional jeepneys ng hanggang 27 buwan—simula sa pagpayag sa Local Public Transport Route Plan (LPTRP) ng kanilang lugar– para lumipat sa mandatory modern PUVs.

Gayundin, dahil ang nasabing traditional jeepneys ay consolidated na sa kooperatiba o korporasyon, wala na sa driver o operator ng modern jeepney ang legal ownership nito kahit na sila mismo ang bumili ng sasakyan.

Kinuwestiyon naman ni committee chairperson at Antipolo 2nd district Rep. Romeo Acop ang rason ng LTFRB sa likod ng bagong polisiya.

“By your issuances of administrative orders napipilitan yung tao na mag-consolidate kasi kung hindi mag-consolidate after April 30 hindi na siya pwedeng maghanapbuhay,” giit ni Acop. 

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jamie Bautista, ang pangunahing layunin ng konsolidasyon ay “to provide a very good service to our passengers”.

“Tinitignan natin kung ano ba yung makakabuti sa mananakay, and at the same time, di po natin pinapabayaan yung kalagayan ng drivers and operators,” ani Bautista. “Nakikita po namin na with consolidation, there will be improvements in the service”.

“It’s about time to modernize our transport industry, tayo po ay naiwan na tayo ng mga kapitbahay natin sa Asia, sa ASEAN (we have been left behind by our neighbors in Asia, in the ASEAN)” dagdag niya.

Kamakailan ay pinalawig ni Pangulong Marcos ang deadline ng franchise consolidation mula Dec. 31, 2023 sa April 30, 2024. RNT/SA

Previous articleNational Cybersecurity Plan aprub kay PBBM – DICT
Next articleP4.51B ilegal na droga, kemikal dinispatsa ng PDEA