Home METRO Traffic enforcer at 1 pang tulak ng droga, tiklo

Traffic enforcer at 1 pang tulak ng droga, tiklo

ILAGAN CITY, Isabela – Hindi na nakapalag ang dalawang pinaniwalaan adik na nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot o droga kabilang ang isang traffic enforcer sa isinagawang magkahiwalay na buybust operation ng pulisya dito sa nasabing lungsod at bayan ng Burgos sa nasabing probinsya.

Sa mahigpit na direktiba sa kampanya sa anti- illegal drugs ni PCol. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sa bawat himpilan ng bayan at lungsod ay nahuli sa Brgy. Raniag, Burgos, Isabela si Clinton Gacutan, 30 anyos, may-asawa, POSU enforcer at residente ng Brgy. District 2, Gamu, Isabela na tinaguriang Street Level Individual o SLI.

Narekober mula sa suspek ang (3) tatlong pakete na hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang na humigit kumulang 9.35 gramo at nagkakahalaga ng Php 1,222.00; (1) isang nakaselyong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 0.27 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php1, 836.00; isang piraso ng Php1,000.00; (1) isang piraso ng eye glass case color violet na naglalaman ng iba’t-ibang drug paraphernalia, (1) isang unit Yamaha NMAX black; (1) isang Real Me android cellphone at personal money na nagkakahalaga ng Php750.00.

Samantala nahuli rin sa parehas na operasyon ang tinagurian din SLI sa National Highway, Purok 1, Brgy. Rang-ayan, City of Ilagan, Isabela si Miller Fernandez y Menes, 44 anyo, may asawa, walang trabaho, at residente rin nang nasabing lugar.

Nasamsam mula sa pinaghihinalaan ang isang pakete ng hinihinalang shabu (buy-bust item) na may bigat na humigit kumulang 1.2 gramo na nagkakahalaga ng Php. 8,160.00; isang pirasong genuine 500-peso bill (buy-bust money); walong pirasong 1,000 scanned/boodle money (buy-bust money); at isang unit ng Iphone 7 Cellular phone na kulay rose gold.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

Previous articleJustin Brownlee lalaro sa pro league ng Indonesia
Next articleGiannis, Bucks wagi kontra Sixers