Home METRO Traffic enforcers ng Caloocan, sumailalim sa refresher course

Traffic enforcers ng Caloocan, sumailalim sa refresher course

MANILA, Philippines – Sumailalim sa refresher course ang mga traffic enforcer at deputies ng Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) ng Caloocan City.

Ginanap ang aktibidad sa Buena Park, ng naturang lungsod.

Kabilang sa mga napag-diskusyunan ang Single Ticketing System, Traffic Management, Common Traffic Violations, Ticket Guide, at Traffic Control Signals.

Ang seminar at training na ito ng mga kawani ay upang madagdagan pa ang kanilang kaalaman at kapasidad sa pamamahala ng trapiko at iba’t ibang suliranin sa kalsada, gayundin ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan at motorista. Merly Iral

Previous articleP2.5B pekeng salamin, 3K pares ng pekeng tsinelas nasamsam ng NBI
Next articleMichelle, nasungkit ang Best NatCos award; MU, bumawi!