Home METRO Traffic scheme para sa UPCAT inilabas

Traffic scheme para sa UPCAT inilabas

483
0

Naglabas ang University of the Philippines-Diliman ng traffic advisory para sa dalawang araw na UP College Admission Test (UPCAT) noong Hunyo 3, Sabado, at Hunyo 4, Linggo.

Ayon sa unibersidad, asahan ng mga motorista at commuters ang matinding traffic dahil one-way at two-way lanes ang makikita sa loob ng campus.

Ang mga motoristang bumibiyahe mula Philcoa hanggang Tandang Sora at U.P Town Center ay pinapayuhan na dumaan sa alternatibong ruta — mula Quezon Hall hanggang Kalaw, at lumabas sa Katipunan Ave.

Ang mga sasakyang manggagaling sa Commonwealth Ave. ay maaaring sumakay sa Magsaysay St. papuntang Tandang Sora.

Samantala, bukas para sa pasukan ang Carlos P. (C.P) Garcia Ave., mula sa Commonwealth, Tandang Sora, at Philcoa.

Ang mga bike lane sa kahabaan ng academic oval ay isasara sa mga bikers at joggers.RNT

Previous article15 bagyo babayo sa Pinas ‘gang Oktubre – PAGASA
Next article5 lugar sapul ng red tide

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here