Home METRO Traffic schemes sa Baguio para sa Panagbenga pinaplantsa na

Traffic schemes sa Baguio para sa Panagbenga pinaplantsa na

MANILA, Philippines- Inilatag ng Baguio City Police Office – Traffic Enforcement Unit (BCPO-TEU) nitong Biyernes ang alternatibong traffic schemes bilang paghahanda para sa Panagbenga festivities sa Pebrero 24 hanggang 25.

Sinabi ni BCPO-TEU chief Zacarias Dausen na magtatalaga ng kapulisan sa key areas upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko.

“All BCPO personnel will be deployed on full alert during the major events, some in civilian clothing for crowd control and anti-criminality measures and others will man inbound and outbound control points to ensure the continuous flow of vehicles,” pahayag niya.

Magpapatupad ng one-way traffic sa Kisad Road para sa inbound vehicles at Legarda Road for outbound vehicles, habang gagamitin ang Kalaw Road at North Drive bilang emergency lanes para sa mga kalapit na ospital.

Samantala, mahigit 3,600 parking slots para sa mga sasakyan at hanggang 1,000 slots para sa mga motorsiklo ang itinalaga sa lugar.

Papayagan naman ang public utility vehicles na bumiyahe sa kanilang ruta, kung saan palalawigin ng mga jeep ang serbisyo ng mga ito hanggang alas-10 ng gabi alinsunod sa rerouting schemes para sa apektadong loading at unloading sites.

Inatasan naman ang barangay officials na tiyaking madaraanan lahat ng kalsada matapos ang parada.

“Visitors and residents alike are advised to take public transportation and leave their vehicles at home or at their accommodation establishments to lessen the volume of traffic, observe the drop-pick-go system and walk around if going to the central business district,” dagdag ng opisyal. RNT/SA

Previous articleNet income ng SSS noong 2023 lampas ng 62.8% sa target
Next article6 kawatan sa pawnshop sa Koronadal tinutunton na ng PNP