Home METRO Trailer truck sumalpok sa bahay, 3 patay!

Trailer truck sumalpok sa bahay, 3 patay!

MANILA, Philippines- Tatlong indibidwal, kabilang ang ina at kanyang anak, ang nasawi sa Bataan matapos bumangga ang isang trailer truck sa isang bahay at tindahan.

Nakahiga umano sa kama ang ina at kanyang anak nang maganap ang insidente. Driver naman ng motorsiklo ang isa pang naiulat na biktima.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang truck driver sa preno. Tumakas ang driver at iniwan ang kasama nitong menor-de-edad.

Hindi naman nasugatan ang nasabing minor. RNT/SA