Home NATIONWIDE Train collision sa India ikinalungkot ng Santo Papa

Train collision sa India ikinalungkot ng Santo Papa

481
0

VATICAN City – Nagpahayag ng matinding kalungkutan si Pope Francis sa nangyaring sakuna sa tren sa India na ikinamatay ng hindi bababa sa 288 katao at ikinasugat ng mahigit 900.

Ang Papa ay nag-alay ng kanyang mga panalangin at pakikiramay sa mga nagbuwis ng buhay sa nangyaring banggaan ng tatlong tren sa Odisha, na isa aniya sa deadliest rail accident sa India sa loob ng mahigit 20 taon.

“Entrusting the souls of the deceased to the loving mercy of the Almighty, (Pope Francis) sends heartfelt condolences to those who mourn their loss,” sabi ni senior Vatican cardinal Pietro Parolin sa telegram na inilabas ng Holy See.

“His Holiness likewise offers prayers for the many injured and for the efforts of the emergency service personnel,” sabi pa sa telegram para sa apostolic nuncio sa India na si Leopoldo Girelli.

Nangyari ang trahedya nang ang isang express train na tumatakbo pahilaga patungong Kolkata ay nadiskaril, na nahulog sa katabing southbound track.

Makalipas ang ilang minuto, isa pang express train ang bumangga sa nasirang train at ang ilan sa mga coach nito ay bumangga naman sa isang goods train na huminto di kalayuan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleHalos 400K bivalent COVID vax nasa Pinas na
Next articleNAIA privatization proposal nasa NEDA na

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here