Home NATIONWIDE Train test run sa Cavite extension phase 1 matagumpay

Train test run sa Cavite extension phase 1 matagumpay

default

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng private operator ng Light Rail Transit Line-1 (LRT-1) nitong Miyerkules, Disyembre 20, na matagumpay ang isinagawa nilang test run sa tren sa kanilang Cavite Extension Phase 1.

Ang test run ay isinagawa habang ang Cavite Extension Phase 1 ay nasa 95 percent progress rate na para sa civil at system works hanggang noong Oktubre.

“The LRT-1 Cavite Extension is now taking shape. We are confident that once this extension is operational, it will help in significantly improving the train system in our country providing a more efficient and reliable transportation option,” saad sa pahayag ni LRMC President Juan Alfonso.

Ayon pa sa LRTA, layon ng test na makapagbigay ng compatibility check at suriin ang interface sa pagitan ng vital infrastructure components.

Ginamit ang Gen-2 train set para sa test dahil may mas malawak itong bagon.

Mas marami pang train test run ang gagawin sa mga susunod na linggo at isasama na ang iba pang train generations ng LRT-1 sa iba’t ibang bilis at load capacities.

Matapos makumpleto ang first phase, ang LRMC ay tutuloy na sa ikalawang phase na binubuo ng Las Piñas Station at Zapote Station, at ikatlong phase, ang Niog Station.

Sa oras na makumpleto ang lahat ng phase, inaasahang mapabibilis na ang biyahe mula Pasay City hanggang Cavite na dati ay isang oras at kalahati, sa 30 minuto. RNT/JGC

Previous article62 pamilya lumikas sa matinding ulan ng LPA sa Palawan
Next articleHoliday ceasefire sa CPP-NPA ‘di irerekomenda ng PNP – Fajardo