Training area para sa online scammers sa Cavite, sinalakay ng NBI

Training area para sa online scammers sa Cavite, sinalakay ng NBI

May 2, 2020 @ 11:50 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Cavite – Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang training area sa Cavite para sa mga scammers na nananamantala ng Luzon-wide lockdown para mag-alok ng online transactions.

Ayon s aulat, ni-raid ng NBI-Cybercrime Division ang isang hideout sa subdivision sa Imus kung saan sinasanay ang mga na-i-recruit.

Itinuturo sa training ang pag-wi-withraw ng pera gamit ang mga ninakaw na card.

Giit ng NBI, maghahanap sila ng ebidensya sa mga computer na natagpuan sa hideout para mas mapalakas ang kaso at mahanap ang iba pang sindikato.

Nakumpiska rin ang mga online payment account cards.

“Pagkatapos kasi nung nagkaroon ng lockdown, nagsama-sama sila dito kaya may nahuli tayo ngayon,” ani NBI Cybercrime Division chief Vic Lorenzo.

“Sila ‘yung mga, ‘yung isa tine-train pa lang, ‘yung iba full-time hackers na. Kapag i-scam, paano ang wordings na gagamitin mo, ano ang target na account details, ano ang bangkong ta-target-in mo. ‘Yun ang whole scenario ng training nila dito,” dagdag pa nito. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...