Home NATIONWIDE Training officer ng BIFF patay sa engkwentro

Training officer ng BIFF patay sa engkwentro

MANILA, Philippines – Patay ang ranking officer ng extremist na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa engkwentro sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Kinilala ni Brig. Gen. Jose Vladimir Caraga, commander ng 1st Brigade Combat Team, ang nasawing rebelde na si Abu Halil, training officer ng BIFF na pinamumunuan ni Ustadz Kagi Karialan.

Ani Caraga, sumiklab ang 20 minutong bakbakan sa Sitio Binakuyan, Barangay Lower Salbu, Datu Saudi Ampatuan, 2:30 ng madaling araw nitong Biyernes, Marso 22 habang ginagalugad ng mga sundalo ang lugar sa sumbong ng mga sibilyan sa presensya ng mga armadong kalalakihan doon.

“Most people are awake even during the wee hours of the night because they are observing the fasting month.”

Sinabi ni Caraga na si Abu Halil ay kapatid ni Khadafi Abdulatif, chief of staff ng BIFF Kagui Karialan faction.

Narekober ang katawan ni Halil sa isinagawang clearing operations kasama ang M16 rifle at mga bala malapit sa bangkay nito. RNT/JGC

Previous articleDOH, USAID naglaan ng P1.15B sa TB screening ng isang milyong Pinoy
Next article8 ektaryang damuhan sa Zamboanga nasunog