Home METRO Trak bumangga sa center island ng tulay, tumagilid

Trak bumangga sa center island ng tulay, tumagilid

MANILA, Philippines – Tumagilid ang isang elf truck nang sumadsad sa center island at bumangga sa isa pang truck sa Delpqn Bridge sa Binondo,Maynila madaling araw ng Biyernes.

Sa inisyal na ulat ng MPD-Traffic Enforcement Unit, alas 4:20 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa pababang bahagi ng kahabaan ng Delpan Bridge.


Minamaneho ni Jhun Jie Puna Danao,42 anyos ng Caloocan City ang Mini Dump Truck Isuzu Elf na may plakang CBR 6774 na may kargang mga panambak at binabagtas ang kahabaan ng northward ng nasabing tulay nang bumangga ang kaliwang bahagi ng truck sa center island.

Dahil sa lakas ng impact , tumagilid sa kanan ang truck at humampas sa kaliwang bahagi naman ng katabing truck na may plakang CBR 9599 at minamaneho naman ni Agapito Duarong Reducto, 47 anyos ng Port Area, Maynila.

Wala namang naiulat na nasaktan o sugatan sa insidente maliban sa nasirang tangke ng tumagilid na truck kaya tumagas ang langis.

Binomba na ng tubig ng mga bumbero ang langis upang hindi na makapadisgrasya pa ng ibang motorista. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous article2 trafficking victim na gagawing dancer, therapist sa UAE nailigtas
Next article3 tiklo sa tobats sa Taguig