Home NATIONWIDE Trak, bus bawal muna sa U-turn slot sa ilalim ng Quezon Ave....

Trak, bus bawal muna sa U-turn slot sa ilalim ng Quezon Ave. flyover

MANILA, Philippines – Ipagbabawal na ang mga bus at trak sa paggamit ng U-turn slot sa ilalim ng Quezon Avenue flyover, parehong northbound at southbound, simula Hunyo 22.

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang pagsasara ng U-turn slot ay para bigyang-daan ang pagkakabit ng scaffolding sa ilalim ng flyover na maglilimita sa vertical clearance sa 2.5 metro lamang.

Ang mga light vehicles lamang ang pinapayagan ngunit ang mga bus, trak, at iba pang sasakyan na may taas na 2.50 metro ay hindi maaaring dumaan, sinabi ng MMDA sa isang advisory nitong Miyerkules,

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na proyekto ng Department of Public Works and Highways sa pagsasaayos at pagpapalakas ng mga permanenteng tulay, kabilang ang flyover.

Inaasahang matatapos ang retrofitting work sa Agosto 4. Santi Celario