Home HOME BANNER STORY Trak nahulog sa bangin, 14 patay

Trak nahulog sa bangin, 14 patay

MANILA, Philippines – Patay ang 14 katao matapos na mahulog ng isang trak sa bangin sa Sitio Tubod, Mabinay, Negros Oriental.

Nangyari ang aksidente 1:46 ng hapon sa nasabing lugar, kung saan ang naturang trak ay may sakay na mga tao at hayop.

Sa imbestigasyon ng pulisya, patungong Mabinay ang trak nang mawalan ng kontrol ang drayber pagsapit sa pakurbang bahagi ng kalsada at mahulog sa bangin.

Unang iniulat na nasawi ang 11 indibidwal na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan, ngunit kalaunan ay iniulat ng pulisya na umakyat na sa 14 ang nasawi. RNT/JGC

Previous articlePBBM sa BCDA: New Clark City Access Road, kumpletuhin
Next articleVice Ganda, ‘nagalit’ sa staff ng fastfood!