Home NATIONWIDE Transparency efforts ‘di sapat sa pagsunog ng China sa int’l law –...

Transparency efforts ‘di sapat sa pagsunog ng China sa int’l law – PCG

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Miyerkules, Pebrero 7 na dapat humingi ng alternatibong hakbang ang world community para mapilitan ang China na sumunod sa international law sa gitna ng patuloy na pananalakay nito sa West Philippine Sea (WPS).

Binigyan diin ni PCG spokesperson to WPS Commodore Jay Tarriela sa isang forum ang kanilang transparency efforts upang itaas ang kamalayan ng publiko sa illegal na hakbang ng China ay hindi sapar upang mahikayat ang pagbabago ng pag-uugali sa pinagtatalunang katubigan.

“Simply condemning China’s aggressive behavior through public statements may not be enough to hold Beijing fully accountable. The international community must explore alternative measures to compel China to adhere to international law, going beyond just imposing reputational cost,” saad ni Tarriela.

Nanindigan si Tarriela na patuloy na ilalantad ng Coast Guard ang pananalakay ng China, na nananawagan sa iba pang maliliit na bansa na magkaisa at magtulong-tulong upang hamunin ang mga pagkilos na lumalabag sa internasyonal na batas at guluhin ang internasyonal na desisyon.

Sinabi ni Tarriela na kung hindi natin ilantad ang kanilang mga iligal na aksyon, ang mga bansang tulad ng China at Russia ay lalong lalakas ang loob na mang-bully sa mas maliliit na bansa dahil alam nilang wala silang kahihinatnan o pananagutan.

Sa parehong forum, iminungkahi ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa Pilipinas na imbitahan ang China na isumite ang agawan sa teritoryo sa Scarborough Shoal sa pamamagitan ng boluntaryong arbitrasyon ng International Court of Justice, na siyang principal judicial organ ng United Nations (UN).

Inirekomenda rin niya ang Pilipinas na hilingin sa China, Vietnam, at Malaysia na isumite ang agawan sa teritoryo sa Spratlys sa boluntaryong arbitrasyon ng Korte.

Sa ganitong paraan, ipinunto ni Carpio na ang mga alitan sa teritoryo sa Spratlys at Scarborough Shoal ay mawawakasan ng maaayos sa mapayapang paraan, ayon sa mandato ng UN Charter.

“Of course I don’t expect them to accept. So where will we go? We will go to the court of world opinion. We will explain to the world why we have sovereignty over the Scarborough Shoal and the Spratlys,” paliwanag ni Carpio.

Kinasuhan ng gobyerno ng Pilipinas ang China sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong 2013.

Nagdesisyon ang korte pabor sa Pilipinas noong Hulyo 2016 nang ibasura nito ang nine-dash line claim ng China sa South China Sea. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleIskedyul ng voter registration sa iba’t-ibang lugar sa Paranaque, kasado na
Next articleMuling pag-isyu ng voter’s ID sinisilip ng Comelec