MANILA, Philippines- Inihirit ng mga transport group sa Land Transportation Franchisiand Regulatory Board (LTFRB) na pagdesisyunan na ang kanilang petisyong dagdag-singil sa pasahe tuwing rush hour na inihain noong Oktubre 2022.
Isinumite ng Pasang Masda, ALTODAP, ACTO nitong Miyerkules ang kanilang “Motion for Early Resolution” sa LTFRB.
Inihayag ni Atty. Nichelle Ann Cabog-Bergonia, na wala pa ring desisyon sa kasalukuyan mula nitong March ng kasalukuyang taon na huli nilang pagdinig sa petition for resolution sa hirit na surcharge tuwing rush hour.
“There is this urgency na for surcharge. JC theres oil price hike JC dagdag na naman ito sa hirap ng ating mga tsuper secondly nagkaroon nanng increase sa minimum wage…Thirdly pasukan na, traffic na especially during rush hours,” pahayag niya.
Batay sa inihaing surcharge petition, humihingi ng karagdagang P1 sa pasahe sa jeep at P2 sa bus tuwing rush hour o mula alas-5 ng umaga hanggang alas-8, at muala alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Sinabi naman ng LTFRB na kailangan pang pag-aralan ang surcharge petition.
Ani LTFRB Executive Director Atty. Robert Peig, bukas ang kanilang opisina sa mga ilan pang dokumento na isusumite ng petitioners.
Hinihintay pa rin umano ang pag-aaral ng NEDA hinggil sa hiling ng transport group.
“Hindi po natin masabi kung may merit o wala depende po sa sasabihin ng board, depende sa submission at rekomendasyon ng NEDA, at pati na rin komento ng ating mga commuters, hihingan po kasi komento office of solicitor general at yung commuters group po natin,” pahayag ni Peig. RNT/SA