Home NATIONWIDE Transport rally sasalubong sa Lunes Santo

Transport rally sasalubong sa Lunes Santo

Magsasagawa ng kilos protesta ang iba’t-ibang grupo ng transportasyon upang ipanawagan sa gobyerno ang kanilang hinaing sa sektor ng transportasyon sa Lunes Santo ng umaga, Marso 25, 2024 sa Quezon City.

Ang malalaking grupo ng binubuo ng libo-libong miyembro gaya ng Pasang Masda, Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Association of Taxi Operators of Metro Manila (ATOMM), Inland Haulers and Truckers Association (INHTA) at National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Associations of the Philippines (NACTODAP) kung saan makikiisa din ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), at Motorcycle Rights Organization (MRO) ay magtitipon bukas sa University Hotel (UP Hostel) sa ganap na ala-9 ng umaga.

Ayon sa mga ito, gagawin nila ito upang madinig ang kanilang boses na tila hindi pinapansin ng gobyerno, “we are unequivocally against the LTFRB’s recent move to flood our Metro Manila streets with more motorcycle taxis. This decision, rushed and lacking in thorough impact assessment, threatens to diminish the income of existing transport workers and degrade the quality of our city’s transport ecosystem. Introducing more vehicles in an already saturated environment is a recipe for heightened congestion and decreased public safety.” madiing pahayag ni Jun De Leon, tumatayong spokesperson ng coalisyon.

“Napakalaki na po ng epekto ng MC Taxis sa aming hanapbuhay. Hindi po kami tutol sa MC taxis ngunit sana pag-aralan muna ang tamang bilang na hindi papatay sa aming hanapbuhay. Kailangan po namin ng aksyon mula sa LTFRB na magbibigay proteksyon sa aming mga driver at operator, at hindi yung lalo pang magpapahirap sa amin,” pahayag ni Ariel Lim, na isa sa coalition spokeperson.

Dinagdag din ni Obet Martin, Pasang Masda na, “labis na maapektuhan ang hanapbuhay ng aming mga miyembro. Maisip sana ng LTFRB na liban pa sa PUVMP, dagdag na naming pasakit ito sa aming mga hanay.”

Umaasa ang grupo na sila ay madidinig ng gobyerno lalo ng Presidente Bongbong Marcos Jr. RNT

Previous article3 most wanted timbog sa manhunt ops sa Las Piñas
Next articlePagadian Airport isasara ng isang buwan