MANILA, Philippines- Nagpatawag ng emergency meeting ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong Miyerkules ng hapon para sa ikakasang transport strike sa Lunes, Nob. 20.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni LTFRB spokesperson Celine Pialago, ang marching orders ng kanilang pamunuan ay tiyakin na hindi maapektuhan ang mga pasahero at may masasakyan sa Lunes.
Aniya, prayoridad ng ahensya at gobyerno ang kapakanan ng mga mananakay.
Bukas naman aniya sila na makipagdayalogo sa transport groups.
Sinabi ni Pialago, kasama ang attached agencies sa koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan at makikipag-ugnayan din aniya sa joint task force NCR at MMDA.
Para sa LGU, aalamin kung gaano kadaming PISTON members sa isang lugar at doon magde-deploy ng mga libreng sakay tulad ng mga government vehicle. Jocelyn Tabangcura-Domenden