Home OPINION TRANSPORTATION SAFETY BOARD KAILANGAN SA PINAS

TRANSPORTATION SAFETY BOARD KAILANGAN SA PINAS

382
0

HINDI sinusukuan ni Senator Grace Poe at mga
kakampi sa Senado ang inihaing Senate Bill 1121 o
Philippine Transportation Safety Board Act na
naglalayong magkaroon ng independent body na
mag-iimbestiga sa mga aksidente at seryosong
insidente na may kinalaman sa galaw ng mga
sasakyan.

Napakalaki ng benepisyo para sa ating lahat kung
maisasabatas ang panukala. Biruin mo,
magkakaroon nang isang ahensiya na tututok at
magsasagawa ng ‘impartial’ na pagsusuri,
pangangalap ng ebidensiya at pag-aaral ng mga
root cause sa mga trahedya sa aviation, motor
vehicles, railroad and tracked vehicles, pipelines at
marine transport carriers.

Kabilang sa panukalang ito ang obligasyon ng board
na magsumite sa kongreso at sa Pangulo ng Pilipinas ng tumpak at komprehensibong investigation report na may kalakip na mga
rekomendasyon kaugnay ng trahedya.

Maliban dito, nakaatas sa board ang iba pang
function tulad nang pagsilip kung may kakulangan
sa mga operating practices at operational
regulations na nangangailangan ng dagdag na
implementasyon ng safety standards at best
practices sa sektor ng transportasyon lalo na sa
pagbibiyahe nang tinatawag na hazardous at toxic
materials.

Sa Singapore, independent ang Transport Safety
Investigation Bureau nila. Gayundin sa United
Kingdom na may Air Accident Investigation Branch
para sa aviation, Rail Accident Investigation Branch
para sa mga tren at Road Safety Investigation
Branch naman para sa mga motorista. Hindi
pahuhuli ang United States dahil independent din
ang kanilang National Transportation Safety Board
at Chemical Safety Board.

Bilang safety and health consultant na may
karanasan sa transport accident/incident
investigation, bihasa na tayo sa pagtukoy sa
tinatawag na real at root causes at pagbibigay ng
mga long term na rekomendasyon. Kaya suportado
natin ang SB 1121, dahil siguradong babaguhin nito ang lumang kultura para sa proteksiyon at kapakanan ng mga commuter, pagpapaunlad ng transport sector at pagpapabuti ng kalagayan ng sambayanang Pilipino.

Previous articleMga Pinoy sa Sudan pinalilikas na sa ‘full-scale civil war’
Next articleKASIRAAN SA HEAT WAVE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here