Home OPINION TRANSWOMEN KINAKATAY SA MEXICO

TRANSWOMEN KINAKATAY SA MEXICO

DAAN-DAAN na ang pinapatay na transwomen o lalaking ginawa ang sarili na babae sa Mexico.

Sa kalahating bahagi lamang ng buwang ito, nasa lima na ang pinapatay.

Sa nakalipas na anim taon, may 513 na ang pinatay.

Pinagbabaril ang transwomen at ang masakit, wala umanong pinatutunguhan ang reklamo ng kanilang hanay at ang buong Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer at iba pa.

Napabilis pa umano ang pagpatay sa transwomen makaraang tawagin mismo ni Mexico President Lopez Obrador silang mga lalaki na naging babae.

Kasama sa mga biktima sa unang bahagi ng buwang ito si Samantha Gómez Fonseca, isang aktibista at pulitiko, na pinagbabaril sa loob ng kanyang sasakyan sa Mexico City.

Inaasikaso naman ni Miriam Nohemí Ríos ang kanyang tindahan sa Michoaca nang pagbabarilin ito nang harap-harapan.

Itinapon naman sa bangin sa Jalisco ang bangkay ng hindi nakilalang transgender din habang kinatay si  transgender Yvonne at ang kanyang partner sa Veracruz.

Natagpuan naman ang bangkay ni transgender stylist Gaby Ortíz sa gilid lang ng kalsada sa Hidalgo na may babala sa katulad niyang transwoman.

Ayon kay Paulina Carrazco, 41, transwoman, parang nasa pintuan at kumakatok lang ang karahasan sa kanila.

Ikinalulungkot naman ng Letra S na kumakandili sa mga transwoman at miyembro ng LGBTQ na nasa 99 porsyento umano ang hindi nalulutas na krimen sa Mexico, kasama na ang sa kanilang hanay.

Dahil sa kanilang nabagong pagkatao, kailan nilang magdamit-lalaki upang makapagtrabaho o kumita.

At kung hindi nila gagawin ito, mamamatay naman umano sila sa gutom.

Biglang naalaala ng Lupa’t Langit ang mga transgender sa Pinas.

Bibihira lang ang pinapatay at karaniwan na silang tanggap bilang mga lalaki na naging babae at nag-aasawa at nagpapakasal pa sa ibang bansa.

May mga pinatay na ring transgender sa Pinas ngunit hindi katulad sa Mexico na laganap ang pagpatay sa kanila.

Sa katunayan, pwede silang i-bless, ayon kay Papa Francis.

Previous articlePANGAMBA AT PANGANIB
Next articleINGAT SA BOEING PLANES